Friday, October 14, 2011

Ang Ilaw sa Poste at Ako






Nakakita ka naba ng ilaw sa poster? siguro nman oo and sagot mo...
Iba’t ibang hugis, iba’t ibang laki, iba’t ibang kulay ng ilaw nito...
May Daylight … (ung puti), may yellow...
at meron ding madilim na ilaw sa poste.. di yun klase ng ilaw..
yun ay dahil ang ilaw ay pundido na...


Ikumpara mo ang sarili mo sa poste ng Ilaw..
Diba nakakainggit.. Ang yabang nya tignan.
Ang layo ng naabot ng liwanag,  ang dami nyang natutulungan dahil sa liwanag nyang taglay.
Nakataas noo, di napapagod sa pag ilaw ng kalye…

Gusto ko maging kagaya ng ilaw.
Gusto ko yun din ang magiging tingin ng tao sa akin.
Gusto ko marami din akong natutulungan.
Gusto ko marami din akong pakinabang.

Sa pagpunta ko sa bansang ito, bitbit ko ang ambisyon na makatulong sa pamilya at makaipon.
Marami ang umaasa sa akin, marami akong plano sa pamilya ko.
Marami akong mga bagay na pinaplano para magkaroon ng saysay ang pagtungo ko sa Disyertong lugar nato.
Marami akong nais na gawin, at alam ko ito na ang sagot sa mga iyon.
Di man ito ang kabuuan, pero alam kung dito na ito mag-uumpisa.
Dumating ako sa bansang ito na me ngiti at ngiwi sa mga labi.
Ngiti kasi alam kong ito na nga yun. Parang Pilipinas lang pala. Malalapad nga lang ang kalye.
Ngiwi kasi ibang tinig ang naririnig ko. Ibang awit ang napapakingan ko. Ibang hangin ang hinihinga ko.

Ano nga bang meron ang lugar na to? Andami kung naririnig tungkol dito.
Merong nakakatakot, meron din naming magaganda.
Bakit nga ba ang daming Pilipino dito? Sa totoo lang di naman kalakihan ang sahod dito.
Ang hirap pa makipagusap sa mga lokal dahil marami sa kanila ang di marunong sa salitang English.
Pero bakit nga ba ang daming gusting pumunta ng Saudi?
Siguro iisa lang din ang mga rason naming kung bakit kami andito. Gusto rin nilang maging Ilaw sa Poste para sa pamilya nila.
Gusto rin nilang maiahon sa kahirapan ang pamilya nila.
Gusto rin nilang magkaroon ng malaking pakinabang.

Pero ang Ilaw sa poste pinapatay pagdating ng umaga para magpahinga.
Ako di pedeng magpahinga. Di pwedeng tumigil. Di puwedeng mapagod.
Naiingit ako sa Ilaw sa poste. Nagagawa nya ang dapat nyang gawin at nakagpahinga din sya pagkatapos nun.
Sana nga matupad din ang mga pangarap ko. Sana nga matupad din ang mga plano ko.
Sana nga maging ilaw din ako sa Poste para sa pamilya ko.
Sana…bago pa lumamlam…
O bago pa mapundi ang ilaw sa Poste.